Aray ko, Beh.

white square

Hello! Ayan, kung napapansin n’yo Filipino/Tagalog tayo ngayon, para damang-dama. Saka, iba na naman pala URL ko. Ha-ha. Sorry na. Pero, ayon na nga, sisimulan ko mag-post ng Tagalog at kakulitan para happy lang, di ba?

Hindi ko alam kung bakit di ako maka-move on sa mga kaibigan ko sa facebook. Post ng post ng kung anek-anek tungkol sa love life nila. Akala yata ng nakararami, e diary o journal ang facebook. Di ko naman sinasabing perpekto ako at di ko naman itatanggi na di ko ginawa ‘yong mga gano’ng bagay, “Past is past” sabi nga ng iba. Ha-ha. Kaysa magparinig ako sa facebook ng opinyon at reklamo ko LOL, e dito ko na lang ililista lahat. Malay natin, may mapadpad na kiddo at mabasa ‘to. Makaiwas sa sakit ng pag-ibig at di na mag-post sawing damdamin sa facebook.

So, ito na nga ililista ko lahat ng natutuhan ko sa loob ng walong (8) taong relasyon para di masaktan sa pag-ibig. Pak!

  • WAG MAG-EXPECT. Kadalasan, halos lahat ata ng babae, e nag-set na ng standards. Kakapanood ng Koreanovela, o romantic movies nag-set na si girl ng mga gagawin ng boypren n’ya. Every occasion naghihintay s’ya na gagawin ng lalaki. Ta’s in the end, wala, nga-nga. Ta’s magagalit, mag-aaway, iiyak. O kaya naman, nag-e-expect na may gagawin ang boypren na something sweet, halimbawa, harana, chocolates or surprise. Ta’s pag di na meet ‘yung expectation, magpo-post sa facebook na dapat tinatrato ang babae bilang prinsesa o reyna. Di ba? Nakakaloka! We should always consider na each of us is unique. Kanya-kanyang diskarte ‘yan.
  • WAG MAG-ASSUME. Di porket sweet s’ya sayo, gusto ka na n’ya. Wag gano’n huy! Sinasabi ko sayo, ikaw lang ang ngangawa bandang huli. Join the ride, ta’s pag tumagal na ng mga 1 buwan, pwede mo na tanungin, “Hoy, ano, ano to? Landian lang ba? Tiyansingan? O pag-ibig na?” Maging prangka ka. Para di na tumagal. Pero syempre, tantiyahin mo din kung may laman ba talaga. Mamaya naman, concern na kaibigan lang ta’s praprangkahin mo. Ganda mo do’n girl! Halimbawa, pinulot lang ‘yong nahulog mong panyo, nag-feeling ka na. O kaya, sinabay lang kunin ‘yong pagkain mo sa lamesa kasi kukunin n’ya din ‘yong kanya.
  • EVERYONE IS UNIQUE. Para ‘tong ‘yong isa na WAG MAG-EXPECT. Wag mo s’ya ihalintulad sa iba na nakikita mo. Halimbawa, ‘yong jowa ng kaibigan mo sinurprise s’ya ng take-out Mcdo sa dis-oras ng gabi. Ta’s ikaw, gusto mo gano’n din s’ya sayo. Sana syinota mo na lang ‘yong jowa ng friend mo. Joke. Sabi ko nga, kanya-kanyang diskarte yan. Gusto mo perpekto? Gano’n?
  • KAHIT NAGNA-NUMBER TWO (2). Naalala ko ‘yong kaibigan kong lalaki, dumadaing sa’kin dati. Pano ba naman, pinag-aawayan nila ng dati n’ya girlfriend, e tungkol lang sa text. Ha-ha. “Gusto n’ya kahit tumat*e ako ite-text ko sa kan’ya.” Jusko day, lahat na lang. Sana tinadtad mo na lang ng CCTV ‘yong buong bahay nila para updated ka. May personal na buhay ang bawat tao. Di pa kayo mag-asawa sinasakal mo na. Bahala ka, magsasawa ‘yan. Ikaw din. Give space naman girl kahit mga 15 minutes lang.
  • KAHIT SAAN. Isa sa mga natutuhan ko, e pagtinanong ka kung ano at saan mo gusto kumain sa date n’yo, e sumagot ka. Wag, “Kahit saan” o “Bahala ka”. Kasi kung may plano naman talaga ang lalaki, di na magtatanong ‘yan. O pag nagtanong man ta’s sinagot mo ng “Bahala ka” ta’s binalik sa’yo ‘yong sagot mo mag-isip ka na. Wala talaga plano ‘yan. Kaysa pag-awanan n’yo ta’s di pa matuloy ‘yong date n’yo. Uuwi ka masama loob. Sayang ‘yong make-up mong ginawa mo ng isang (1) oras ta’s magpo-post ka ng kadramahan mo sa facebook na parang lahat ng tao may pake. LOL.

Anyway, lahat naman ng tao, e may kanya-kanyang opinyon at pananaw sa buhay. Nakakatawa lang isipin na kahit ako at boypren ko nag-aaway sa pinakasimpleng bagay. Magtatalo ta’s bigla na lang kaming tatawa at kakalma kasi napagtanto namin na para kaming tanga na nag-aaway na simpleng bagay. Ha-ha. Tingin ko, e lahat naman nagkakamali at natututo.

O sya, hanggang dito na lang muna. Mag-e-edit ako ng mga video ko at gagawin kong vlog dahil punong-puno na memory ng selpon ko. Ciao!

Advertisements

One thought on “Aray ko, Beh.

  1. […] Na-confuse naman ako kung pa’no i-spell ‘yong “Beh” sa title. LOL. Wala nga ako maisip kung ano ipo-post ko sa Pag-ibig Tips ko ngayon e. Pero dahil kailangan natin maging consistent, ayan, nauwi sa pagmo-move on. O nga pala, kung gusto ko makaiwas ngumawa dahil sa pag-ibig, nag post ako no’ng nakaraan ng iilan sa listahan. Andito oh. […]

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s