Paano Ba Kasi Mag Move On, Beh?

4450218
Thanks to mememaker.net for this cool meme.

Na-confuse naman ako kung pa’no i-spell ‘yong “Beh” sa title. LOL. Wala nga ako maisip kung ano ipo-post ko sa Pag-ibig Tips ko ngayon e. Pero dahil kailangan natin maging consistent, ayan, nauwi sa pagmo-move on. O nga pala, kung gusto mo makaiwas ngumawa dahil sa pag-ibig, nag post ako no’ng nakaraan ng iilan sa listahan. Andito oh.

Dahil tungkol ‘to sa pagmo-move on, gagawa ulit ako ng listahan para mas categorized. Ang taray! HA-HA.

  1. Ngumawa ka lang. Una syempre, alam nating masakit. Oo beh, masakit. Wag mo itanggi. Lalo na ‘yong tipong wala ka namang ginawang kasalanan ta’s bigla makikipag break ang ungas. Ta’s may pahabol pa na di mo kasalanan, s’ya daw ang may problema. Ah, letse! Ewan ko sayo. Pero tandaan mo, kung nasaktan ka. Hindi masama umiyak. Ingawa mo. Maglupasay ka. Ilabas mo ‘yang sama ng loob mo. Inuulit ko, HINDI MASAMA UMIYAK. Normal ‘yan. Ewan ko din ba kug bakit ‘yong iba sinasabi na wag mo iyakan. E, malamang nasaktan ka. Tao ka, may feelings din. Normal ‘yan. Ayon nga sa nabasa ko, ”Crying is a natural emotional response to certain feelings, usually sadness and hurt. But then people [also] cry under other circumstances and occasions,”.
  2. Magpakalunod ka sa alak. De, joke lang. People tend to seek comfort kasi. Alam mo ‘yon? ‘yong tipong hahanap ka ng makakatulong sa’yo i-overcome o kalimutan ang lahat. Naalala ko ‘yong trainer ko sa CNX, si Raf. Sabi n’ya hindi daw lahat ng taong umiinom e, pa-cool lang o kaya para sa barkada. Madalas, umiinom kasi may pinagdadaanan. Hindi naman ako nag-disagree sa sinabi n’ya. Alam naman natin lahat ‘yon. Hindi din natin masasabing engot ang taong nagdesisyon lunurin ang sarili sa alak dahil sa problema. Wag tayo magpakaimpokrito. Nasaktan ka, kung naramdaman mo na kahit sandali nabawasan ang sakit dahil sa alak, GO! Pero make sure na after the days being drunk, you stand again and face the freaking world.
  3. Libangin ang sarili. Humanap ka ng ibang pagkakaabalahan. Do the things you haven’t done before. Be crazy to chase something new. Uso nga ngayon ‘yong mag-travel e. Hiking o beach beach lang. Wala kang pera? Sus, ang daming mura. 350 Pesos lang sa Antipolo oh, may bundok ka nang tatapakan. Mag-aral ka ng bagong bagay, may TESDA na nagbibigay ng mura o libreng online course. Mag Zumba ka, 20 Pesos lang sa Q.C. Circle. Mag blog ka, why not? Be with your friends ang family. Lalo na ‘yong mga kaibigan na di mo na nakikita dahil busy ka sa kan’ya. Tsk. As long na nalilibang mo ang sarili mo at di mo naiisip ang mga bagay na nakapagpapaisip sa’yo tungkol sa kan’ya, gora lang ng gora.
  4. Enhance yourself. Di ko naman sinsabing baguhin mo sarili mo drastically, i-enhance mo lang. Be fit, make a new look. ‘yong iba nga nagpapagupit at nagpapakulay  pa ng buhok. Hashtag, balik alindog challenge. LOL. Bigyan mo naman ng konting halaga sarili mo. Oo, sinabi ko na umiyak ka ta’s mag-inom ka o anoman kasi nga normal ‘yon. Pero kung hindi mo pahahalagahan sarili mo afterwards, magiging losyang ka. Gusto mo ba ‘yon? Makikita ka ng ex mo, ta’s mapapaisip s’ya na buti na lang hiniwalayan ka n’ya. OMG, hell no girl. I got your back! Kailangan pag nakita tayo ng ex natin, mapapangiwi s’ya na hiniwalayan ka n’ya. Hoy, di ‘to para makuha ulit s’ya at bumalik sa’yo ah. Tantanan mo ko. Hindi din ‘to revenge. Magbibigay lang tayo ng konting kurot sa kanila. Ipapakita lang natin na hindi natin kawalan. At the same time, we are preparing ourselves sa bagong tao na darating sa buhay natin. Syempre, it gives us confidence din. Binabalik lang natin bilib natin sa sarili natin.
  5. Wag magmadali. Wag kang magmadali na makanahanap ng bagong ipapalit. Sabi nga nila, pag mabilis mo nakuha, mabilis din mawawala. Siguro its time naman for yourself. Asikasuhin mo muna ‘yong sarili mo. Make sure na okay na okay ka na. Tipong, pag dumaan s’ya sa harap mo, keber. Di ba? O kaya pag chinat ka n’ya sa gabi dahil lasing s’ya o bored s’ya, isi-seen zone mo lang. Taray mo girl! At syempre ayaw naman natin mangyari na maging panakip butas lang ang kalalabasan ng bago mo. Wag. Nasaktan ka na, alam mo ang pakiramdam. Wag mo gawin sa iba. Karma is a bitch and digital.

Pero syempre, at the end of the day, depende pa din ‘yan sa bawat tao. Meron tayong kan’ya-kan’yang coping mechanism. Oras lang talaga makapagpapahilom ng sakit. Wag din sana natin kalimutan na may mga bagay tayong natutuhan dahil sa taong ‘yon. Lahat ng ‘yan, normal. Humupa ka. Next time, magpapasalamat sa’yo sarili mo. Hugggs!

Advertisements

2 thoughts on “Paano Ba Kasi Mag Move On, Beh?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s